NAKAKARELATE KA BA?
Anong klaseng suweldo meron ka? Ito ang mapait na katotohanan sa mga empleyadong gaya natin. Sa panahon ngayon, madalas sinasabi natin hindi na sapat ang ating sinusweldo para sating pamumuhay. Pambayad bills, pampaaral ng ating mga anak, pang suporta sa sarili at pamilya, at sa mga bagay bagay na ating ninanais bilhin. Ang tanong ... "Kulang ba talaga?"
"Poverty is not caused by lack of money, but mismanaged money" - ROBERT KIYOSAKI
Naaalala ko pa noong ako'y nagsisimula pa lamang magtrabaho. Ang aking kinikita noon ay nasa 7,000 piso lamang kada kinsenas, malaki pa rin nga kung tutuusin kumpara sa mga "entry level" na mga uri ng trabaho. Nakatira ako noon sa aming Lolo't Lola. Lubos na nagpapasalamat kami sa kanila at itinuturing kong malaking utang ng loob na hindi mapapantayan ang kanilang pag aaruga sa amin kaya noong ako ay nagkatrabaho ninais kong makatulong at makabawi naman sa kanila. Nagsasalitan kami ng aking kuya sa electric bills, ako naman dahil sa kagustuhan matutong maging independent, pinilit ko na umupa ng isang kwarto sa kanilang boarding house. Bagamat maliit pa ang aking suweldo tuwing payday nakakapaguwi pa ko ng mga pasalubong at nakakapanlibre madalas. Tuwing may kaarawan sa amin parati rin ako may regalo.
Ngunit napansin ko sa paglipas ng panahon, habang lumalaki ang aking kinikita, lalo ako nagigipit! Iniisip ko wala naman pagbabago sa lifestyle ko, pero ang totoo habang lumalaki ang suweldo lumalaki rin ang gastos ko. Nadagdagan ang aking mga responsibilidad at kadalasan sa mga kapritso lang sa buhay napupunta ang aking salapi. Gimik kasama ng barkada, nood sine, bagong sapatos o damit, maki uso sa bagong gadgets at kung anu anu pa. Ngunit ang magimpok pra sa kinabukasan hindi ko pa naisip. Sabi ko bata pa naman ako, enjoy ko muna.
Ito ang katotohanan na nangyayari, nagiging ganito ang uri ng ating suweldo dahil wala tayong sapat na kaalamang pinansyal. Akala natin sapat na ang may savings sa bank account, akala natin pang mayaman lang ang insurance at investments. Higit sa lahat napapabayaan natin ang pinakamahalaga, ang ating pansariling kalusugan. Napapaghalo natin kahulugan ng NEEDS at WANTS. Hindi natin alam kung ano ang ASSET at LIABILTY. Gaya ng natutunan natin sa X curve concept na aking diniscuss sa blog na ito, sa buhay natin may 2 katanungan:
Paano kung namatay ka agad? Paano na ang ating mga mahal sa buhay? Paano na ang ating iiwang mga responsibilidad? Sino susuporta sa ating pamilya? Sapat na ba ang savings mo?
Paano kapag nabuhay ka ng masyadong matagal? Pag tanda mo at hindi mo na kaya magtrabaho, aasa ka na lang sa mga anak mo? Sasabihin mo dahil inalagaan mo sila dati ngaun sila naman mag alaga sa iyo? Hindi investment ang ating mga anak. Eh sinu na susuporta sa yo? Sapat na ba ang savings mo?
Malamang iniisip mo:
"Wala ko pera para jan"
- Simple lang, dagdagan mo ang iyong kita (cash flow) o bawasan mo ang iyong gastos. Magtabi muna bago gumastos at hindi ang kabaligtaran nang sa ganoon magiging obligado ka magimpok at magkakaroon ka ng siguradong pera pag dating ng panahong kailangan mo ito.
"Malaki naman kinikita ko, saka na yan"
- Mas lalo mo kailangan maghanda! Gaya nang nasabi ko, habang lumalaki ang iyong kita lumalaki ang iyong gastos at mga responsibilidad. Sabi nila ang formula para sa iyong retirement ay ang iyong isang taong sahod times ten, para mapanaitili mo ang iyong current lifestyle. Meron ka ba nito?
- Paano kung nawalan ka ng trabaho? Sabi nga nila hindi araw araw pasko, hindi habang buhay nsa ibabaw ka.
" Kapag gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan ..."
Kung ang nabasa ninyo ngayon ay may kabuluhan sa inyo at tinamaan kayo, hindi pa huli para paghandaan ang kinabukasan. Mahalaga lang alam mo ang dapat mong gawin, mayroong malinaw na plano at dsiplina sa sarili para makamit ang iyong goal.
Kung nais ninyo ng libreng financial coaching, paki fill out lng ng inquiry form sa kanang bahagi ng blog na ito.
HAPPY LEARNING EVERY JUAN !!!
No comments:
Post a Comment