Saturday, June 21, 2014

Debt = Death

"Debt is Death"
 
Sounds like d ba?  Natural mabaon ka ba naman sa utang eh di deds ka! Yari ka!
 
Ganito ang utang sa mundo ng finance. And it is a very big NO and should be our very last option. Gaya nga ng natutunan mo sa Kurot DaKot Principle dapat kumurot lang tayo , wag dakot nang dakot at lalong wag uutang.
 
Ngunit bakit nga ba tayo umuutang?
  • Malas? - inaalat ka, gipit na gipit ka, kulang ang kinikita mo para sa kabuhayan mo. 
      • malas nga ba? baka naman kulang lang ang effort mo or kailangan mo lang palitan ang diskarte mo sa buhay.
  • No Choice? - wala ka na ibang maisip na paraan upang makapagproduce ng pera para sa isang matinding sitwasyon o pangangailangan.  
      • Sabi nila ang taong nagigipit sa patalim kumakapit? Kung alam mo makakasama ito sa yo or sa iba at alam mong hindi mo ito kaya bayaran,  maghanap ka ng ibang paraan. You always have a choice
  • Kapritso - madalas ito nangyayari sa ating mga credit cards at loans sa bangko. Naeenganyo tayo sa mga bagong gadget, magagarang sasakyan at kung anu-ano pa. Dahil nais mo maging "IN" kahit wala ka pang sapat na perang pambili or tinatamad ka magantay sa savings mo para makabili ng gusto mo, uutang ka na lang. 
      • Bigyang halaga ang pera na iyong pinaghirapan. Isipin parati kung makabuluhan ba ang paggagamitan nito.
 
 
Pero alam nyo ba na hindi naman lahat ng utang ay masama? Meron din naming tinatawag nating good debts.  Halimbawa nito ay kapag nag loan ka sa bangko upang pang puhunan sa iyong negosyo or ginagamit mo ang mga advantages ng credit card like credit to cash at iba pa. Hindi ko rin sinasabing gupitin mo na lang ang credit cards mo dahil convenient at mas secure ang credit card kaysa magdala ka ng malaking halaga ng pera sa wallet mo. Pero mag-ingat, pagkatandaan na ito ay isang temptation na kung hindi mo alam gamitin nang tama ay lagot ka.
 
Sa kabila nito ang utang ay utang. Ang aming TIPS ay:
 
Kung may balak kang umutang make sure you can manage your debts, iwasan ang bad debts, siguraduhing kaya mo itong bayaran sa tamang panahong pinagkasunduan. Iwasan ang penalty upang huwag magpatong-patong ang utang.
 
Magbayad ng mas malaki sa minimum. Ang mga credit card at loans ng mga bangko ay compounded interest samantalang ang savings mo sa kanila ay simple interest at kung may compounded interest man, generous na ang bangko mo kung aabot sa 2 % interest ang savings mo. Ang daya di ba? Kaya sa pamamagitan ng pagbayad ng malaki sa interest mas mabilis mong mababayaran ang utang mo at ang interest na kinita sayo ng bangko ay mas maliit. Tandaan kapag ang babayaran mong utang ay humigit sa dobleng halaga ng iyong utang, TALO ka.
 
Eliminate your debts. Tamang disiplina at diskarte. Mag-compute ng mga interest. Maaalala mo sa ating building a solid financial foundation lesson, kailangan mo ito gawin bago mag-invest nang sa ganun hindi kakainin ng pambayad utang mo ang perang nilalagay mo sa investments mo.
 
"Increase your cash flow, otherwise decrease your costs"
 
 
Kung nais mong dagdagan ang iyong kaalamang pinansyal habang kumikita na, nakakatulong ka pa sa ibang pamilya, paki fill out lng po ng inquiry form sa kanang bahagi ng blog na ito.
 
Malay mo ikaw na ang susunod na  milyonaryo, kung hindi man at least malapit ka na at sinubukan mo.
 
 
Sabi nga ni Rambo:  " LIVE FOR NOTHING OR DIE FOR SOMETHING ..." 
 
 
 
 

No comments:

Post a Comment

Popular Posts